REBOUNDzoned.

israelmekaniko:

Rebound. From the word itself, it means “bounce back”. In example, “Yung hindi mo na kailangang magpa’rebound’ sa salon dahil nagbobounce back ang hair ng lola mo.” Pero parang mali naman ang example ko kaya never mind na lang.

Na-rebound. Ginawang panakip-butas. Na-pantyzoned.  Na-fling. Flininger. Pare-pareho lang yan. Naging kayo lang bunga ng nakaraang relasyon. Pero paano mo nga ba malalaman na under Rebound Relationship ka? Ito ang ilan sa mga signs na Rebound ka. So hindi mo na kailangang magpunta sa labas ng simbahan ng Quiapo para magpahula pa.

  1. Na-minute-to-win-it ka. Kakikilala niyo pa lang kanina pero mahal na mahal ka na daw agad. Never dumating sa stage na medyo mahal muna. Maximum harot level to the fullest.
  2. Meron siyang ‘The mas pinaikling version ng 3-month rule.’ Wala pang 3-months yung break-up, jinowa ka na agad.
  3. Lampshade lang ang peg mo. Pandisplay. Pa-PDA. 
  4. Ginagamit ka lang para pagselosin ang ex niya.
  5. Sobrang clingy kapag madaming tao pero macaroni salad sa coldness kapag kayo lang. Walang consistency.
  6. Ultimate Math wizard siya Major in Algebra. Madalas kang icompare sa ‘x’ niya.
  7. Mas madalas yung ‘aray’ moments kesa sa happy moments. 
  8. Pa-throwback siya masyado. Palagi niyang ginagawa sa’yo yung mga dating ginagawa niya sa ex niya. 
  9. Para lang siyang nagbabasketball. Pampalipas ka oras lang. Tamang paramdam lang pag may time.
  10. Kahit anong gawin mo, hindi niya makita ang effort mo. Dahil yung taong mahal niya ang palagi niyang nakikita.

3-8 </3

"He’s an emotionally retarded arty boy who’s in love with another woman. Of course I like him."
-The Decoy Bride (via hopesvoice)